Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag,Ilocos Norte. Unang nakilala bilang matinik na kuwentista si Pascual bago niya sineryoso ang pagiging isang nobelista. Nagsimula siyangsumulat noong dekada 1950, sumubok mag-ambag sa komiks,hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway.
Nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip AngLangit” (1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang “Utos ng Hari” noong 1975. Unang nailathala sa Liwayway ang "Lalaki sa Dilim‟ sapamagat na "Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim‟ (1976).May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, Walang Tanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at lingguhang isineserye ngayon ng Liwayway.
Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang Halik sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda naumiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging Filipino section editor si Pascual sa People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances.
Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maikling kwento, dula, at nobela. Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.
Layunin ng akda:
Ginawa ang akdang 'Di Mo Masilip Ang Langit' upang itama ang pagtrato ng mga taong nakakataas sa mga taong nakabababa.
Tema:
Pinapakita ang hindi wastong pagtrato sa mahihirap.
Pinapakita ang hindi wastong pagtrato sa mahihirap.
Tauhan:
Luding- mabait at mapagmahal na asawa
Asawa ni Luding- nakulong dahilan sa galit niya sa mga taong hindi tumulog sa kanyang asawa
Mga nars at doctor
Mr. at Mrs. Cajucom
Tagpuan:
Loob ng Kulungan
Pribadong Hospital
Barung-barong
Balangkas ng mga pangyayari:
Ang kuwentong ito ay tumutukoy sa malupit na hagupit ng kahirapan sa kasalukuyan. Ang kahirapang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga mahihirap. Mabisa nitong tinatalakay kung ano ang buhay na kinalalagyan ng mga taong pinagkaitan ng karapatan at pantay na pagtingin mula sa lipunan.
Ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito ay si Luding at ang asawa niya na isang preso. Ang kahirapan ang nagtulak sa kaniya para gumawa ng isang pagkakamali.
Sinunog ng lalaki ang hospital na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak. Ang hospital na isa siya sa mga gumawa na itinuring niyang isang natatanging obra at isa sa pinakamakahulugang bagay na nagawa niya sa buhay niya. Napabayaan ang kaniyang asawa, na nang dahil sa mahirap lamang ito ay hindi agad inasikaso ng mga nars sa hospital na iyon.
Isa pa sa diskriminasyong nakapaloob sa akdang ito ay ang pagtanggi ng asawa ni G. Cajucom na tulungang ihatid sa hospital si Luding na noo'y manganganak na anumng minuto. Marahil, sa iniisip niyang siya ang mananagot kapag may nangyaring masama kay Luding, ay inihatid na niya ito sa hospital. Nang makarating na sila sa hospital ay nagmadaling pumunta ang mga nars sa sasakyan ni G. Cajucom ngunit nang makita na si Luding ang bumaba ay isa-isa na silang nagsilayuan.
Marami sa atin ang humuhusga sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Marami ang mapangmata at mapangmaliit sa mga mahihirap kung kaya't sa huli, marami ang nalulugmok sa kahirapan.
Isa sa nakatagong tanong dito ay kung saan kumukuha ng pera si Luding gayong ayon sa lalaki, ay wala siyang alam na trabaho at walang "alam". Masasaktan lang siya kung kaniya iyong iisipin.
Sa mga katulad nila, maaari ngang mawalan sila ng tiwala o pananalig sa langit nang dahil sa mga pinagdaanan nila. Ngunit gayunpaman, hindi dapat tayo mawalan ng pananalig sa Diyos at isipin natin na, "Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang pagkakamali."
Kaisipan:
Ang korupsiyon at perwisyo ay mula sa mga taong nakatataas. Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali
Istilo ng Pagkakasulat:
Istilo ng paglalahad ng may-akda ay panumbalik- isip kung saan inilahad ng may-akda ang mga pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng mga pangyayari sa nagdaan niyang karanasan. Ikinuwento ng may- akda ang dahilan ng pangunahing tauhan kung bakit ito nakulong
Mga Dulog Pampanitikan:
Moralistiko
Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi nila binigyang halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin dito ang hindi magagandang pag-uugali ng mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap.
Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi nila binigyang halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin dito ang hindi magagandang pag-uugali ng mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap.
Sosyolohikal
Ipinakita ang pakikisalamuha ng mahirap sa mayayaman kung saan madalas na makikitang inaapi ng mayayaman ang mahihirap tulad ng ipinakita sa kwento.
Sikolohikal
Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong ugali dahil may nag- udyok na mabago o mabuo ito. Tulad ng nangyari sa pangunahing tauhan dahilan sa pagwawalang bahala ng mga taong hinihingian niya ng tulong nagkaroon ng pagbabago at hinanakit sa kanyang puso.
1. Bisa sa isip
“Ang nawala na ay hindi na maibabalik”. Kahit alam na niya na hindi na niya maibabalik ang namatay niyang anak, gumawa parin siya ng kasalanan na sa huli pinagdusaan niya. Gayundin sa pagsusuri sa akdang ito. Hindi talaga pantay ang antas ng pamumuhay sa ating lipunan ngunit kailangan parin nating bigyang pansin at pahalagahan ang mga taong nangangailangan ng higit na panguna at pagmamalasakit.
2. Bisa sa damdamin
Nakaramdam ako ng pagkalungkot sapagkat hindi man lang siya tinulungan ng mga taong may kakayahang magpaanak sa kanyang asawa. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga taong nasa mataas na antas ay siya pang walang pagmamalasakit sa kapwa.
“Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali”. Sa ginawa ng tauhan sa akda, alam niyang mali ang ginawa sa kanyang asawa ngunit ginantihan niya pa ito ng mas mali na kaparaanan. Marapat na idinaan niya ito sa isang legal na pamamaraan.
Pinamagatan itong ‘Di mo masilip ang langit’ dahil ang magasawa ay hindi man lang nabigyan ng konting pagmamalasakit o hindi man lang sila inasikaso ng mga doctor at nars kahit sila’y nahihirapan na. Kumbaga, di man lang sila nakalasap ng kaginhawaan o langit dahil sa pagtrato sa kanila.