Magmula ng ika'y aking makilala
Ang takbo ng mundo ko'y tila nagiba
Binigyan mo ako ng pag-asang lumaban
At aking puso ay yong muling binuksan
Ika'y binigay sa'kin ng Panginoon
Upang ako'y iyong bigyan ng direksyon
Kaya ikaw ay di na pakakawalan
Nangangako na di ka pababayaan
Na ako'y palaging andito lamang
Na tayong dalawa ay magdadamayan
Sa hirap, ginhawa, lungkot man o saya
At ako sayo ay hindi magsasawa
Tayo ma'y magkalayo sa isa't isa
Magkaroon man ng maraming problema
O bumuhos man ang malakas na bagyo
Ang puso ko'y titibok lamang para sa'yo
Ang ating pagmamahal ay walang hanggan
Kahit anong unos ay kayang lampasan
Taong humadlang sa'ting pagiibigan
Ay magkahawak-kamay nating lalabanan
No comments:
Post a Comment